top of page

Wikang Sariling Atin

Di maipagkakaila na ang wikang Filipino ay isa sa nagsilbing diwa ng panitikan ng bansang Pilipinas sapagkat ang wikang FIlipino ay ang "Pambansang Wika" ng Pilipinas. Gamit ang wikang ito ay nagkakaintindihan ang buong bansa.

Ika nga na"Tangkilikin ang Sariling Atin."

Kaya bilang pagkilala at pagtangkilik sa Wikang sariling atin nagkakaroon ng pagdiriwang bawat taon at nangyayari sa buwan ng Agosto ang "Buwan ng Wika" kung saan ipinagdidiwang ng mga kabataan ang kahalagahan ng ating wika at naipapakita ng mga kabataan ang kagandahan ng wikang atin.

Sa pagdiriwang na ito isinasagawa ang balagtasan, pagsasalin-wika at marami pang iba na kung saan nagtatagisan ng galing ang mga kabataan kaakibat ang tungkulin na ipamalas at ipagmalaki ang wika natin.

Bilang isang Pilipino nakakataba ng puso ang pagdiriwang na ito. Hindi dahil sa mga suot na mga pangkatutubong damit at pambansang damit, hindi dahil sa mga iba't ibang kulturang naipakita kundi dahil sa pamamagitan nito hindi makaklimutan ang wikang ating ipinagmamalaki ang wikang walang sinuman ang makakaagaw, ang wikang pinasibol ng ating mga ninuno at ang wikang minamahal nating mga Pilipino, ang Wikang Filipino.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page