top of page

Filipino: Wika ng Karunungan


Bawat Pilipino ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Ang pagkakaroon ng pambansa at sariling wika ay isang biyaya at gantimpala sa ating mga Pilipino, sa kabila ng pagkakaroon ng maraming wika na ginagamit. Tuwing buwan ng Agosto, sari-saring kaganapan ang isinasagawa at naidadaos ng ating mga kababayan. Idinadaos ang Araw ng Buwan ng Wika sa mga paaralan at sa mga institusyon ng bansa upang ipamahagi sa mga Pilipino na tangkilikin ang kanilang sariling wika.

Bago naitatag ang wikang Filipino bilang Pambansang wika ng Pilipinas ni Dating Pangulong Fidel V. Ramos, tinawag ito bilang wikang Tagalog. Dumaan ang mahabang panahon hanggang sa nagbago na naman ito at tinawag na wikang Pilipino. Sa kapanahunan ni Dating Pangulong Fidel V. Ramos, nagkaroon ito ng huling ‘pangalan’ at tinawag na wikang Filipino, at idineklara bilang Pambansang wika ng Pilipinas. Ang wikang Filipino ay nagsisilbing simbolo ng bawat katatagan at pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang bayan. Bilang isang Pilipino, kailangan nating ipagmalaki ang wikang atin at huwag natin itong hayaang madungisan ng iba.

Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page